Patente kan Nobyembre

November 5, 2004

Pista sa Gadan, kinaagahan

Dai mo huhunaon na Nobyembre ining aga.

Agang kinuramos kan paros an tunog.

Arog sa kinaagahan kan katapusan kan kinaban

an mga kalag na naguong sa satong panganoron

gagaboton kan kalamias kan kahewasan.

Mahahanggianan an tikab sa pagsakat kan gabat.

Ta napasain su girabo kan uran

hadok kan ngabil kan mga naghahayang gadan?

Napasala garong panahon, ta mga rignos nakatugdon

sa koryenteng inalambre, nagtatawong alingahot kan Marso

sa mga bulan na benditado na kan lipot, sambay kan bagyo?

Nagngangarakngak an kalag ko

ta pigsusurod an sinarigsig sa palitada.

Sa dagang ining parong ki gadan na kandila

nagagango pa man an satuyang papa.

Bako makangalas

na ini aldaw ki Nobyembre?

Maski sa mga atop nagsasangaw

an higos ka udto?

Maski an agrutong kan de mano

hapiyap sa talmag kong boot.

Dangoga, nagngangarakngak

an kalag ko.

Nakakasibog daw kita sa panahon

kan satong pagkaaki

pagminaulok na arog kaini?

Sa ikos na pigbugaw an rignos

sa gilid kan pigbalad

sa trangka na buminurikat na daing takot

sa sildang, sa huyop-huyop na kinutaw

sa tubig kan asul na langit.

Sa pagbuklos ta padulag

bakong ini an kasagkoran

kan satuyang pagdalagan?

Kapkapa sa tikab ko,

nagngangarakngak an kalag ko.

Nobyembre 2 2004.Karangahan



Dila

Bago daw mangyaring mapara ka

digdi sa daga.

Piriton mong dai makalugad

an saimong dila.

Mala marara, dipisil mapila,

daghan an lubungan kan haldat

na masakit masapa.

Ta masapa daw kan daghan

an haldat na dai nalalapa,

pararom nin pararom

antes masagkod an daga.

Ta makaon man kan ulod

an lawas na gadan,

pirming makakarumdom

an kalag na daing katoninungan.

Mabuwelta an dagit digdi

sa kinaban.

Sa paagi kan lipot na mabatak

sa mga higdaan,

masuhay sa mga kudal,

masubol sa mga nasyon

na magtubong nin tarom.

Bago ka maghale dai ka magwalat

sa kinaban ki haldat.

Na magiging rason

kan saimong pag-otro

kan saimong sasakiton.

Kun igwa man sanang tataramon

na puwedeng itukal,

bako na su maharang,

bako na su maringsal.

1/15/04 Tayhi

Ginhawa

Pasensiya na sana nono, nene

pagsakit mahahali na sana

buhay ta maginhawa

pagkita gadan na.

Pag ako puminiyong

ako ito na

kairiba ni Papay

mong nainot na.

Sa ginhawa tulong beses kitang makakan

pamahaw, pangudto sagkod pamanggihan.

Duman may sadiring tibi

dai na kamo makikihiling.

Malumoy an higdaan,

dakol na gubing.

Nene, dai ka na mapauripon

sa darakulang harong

o maghalayhay

kan bako mo man bado.

No, dai mo na kaipuhan magpukpok

nin maso. An masunod na palasyong

ititindog mo, giraray man

mapapasaimo.

Kaya pag ako nagadan dai maghibi

ako sa pasakit kan kinaban mahali

mahirilingan pa kita dai maghadit

siguro maginhawa na kita

pag-abot sa langit.

Pagbalik saimo sa diklom

Kun gigibuhon ko ini

dapat dai akong puso

papanindugan ko an parasaklot

sa sarong sa pagtumang

daing kusog.

Daing tulang an sakong pangaran

para maubo an saiyang pangaipuhan

pabalyo sa daing herak

na salog kan kinaban.

Malinga daw kan boses kong

paratod an kuwerdas

an saiyang pag-ula

kun garapuon siya

kan mapapanas

na pagpasupog.

Kun sa gusto ko

muya ko na siyang makugos

idara sa dai nin makulog

basogon sa sakuyang kamot.

Kun sa daga kuta

may bubon nin kusog

ta an puso ko dai nin isog

makipaggubutan

sa gubot na kinaban.

Dai akong Diyos

na nagsugo ki Abraham

na iatang an sadiring laman.

Ako sana ini

digdi sa malipot na lukas

kan kadaihan.

Ako na saiyang paratao ki pangaran

an saiya man na paragadan.

01/22/04 Tabaco

Anatomiya ng palaging namamatay (Para sa aking sariling pagkunsumo)

1. Romansa ng Kama

Buhay ang aking mata

sa mga sandaling patay

ang ilaw, at ang mga Panaginip

ay naririto na, bumabalik

silang parang mga kabayo—

ang talampakang kuko na tahimik

na bumabasag sa panatag

na sanaw na naimpok sa sinapupunang

hinulma ng pertil na bulubundukin—tanawin

mula sa ulap ng utak.

Paano mo muling iipunin, bubukludin

ng iyong mortal na kamay, sa kaayusan

ang tubig na naalimpungatan

at paulit-ulit na tumakas

sa paulit-ulit na pagbilog ng panahon

at alimpuyo? Aaminin ko nang hindi ko

kayang imaneho ang patuloy na paglayo

ng mga tanawin na dati rati’y masunurin—ngayon

kailangan nilang lumayo, ngayong ayaw na

nilang magsinungaling.

Tumutulak ang mga Katawan

na hindi mahawakan ang laman

at paglalong itinikom ang talukap

mas lalong napipisak ang matris

na sisidlan ng luhang napiga—abuhing salamin

ng mga pag-alsa ng dibdib, hindi paghinga

ang paglobo ng tarantang baga, selopin na paghabol

sa mga buntot ng liwanag, maugat

ang kadiliman sa pagkakapatong

ng mga anino. Malakas ang bisig

ng Gabi, hindi kayang pigilan ang pagpabangon

ng nginig at lamig

sa tuod na higaan.

Kayang pakulubutin ng ideya

ng Pagpanaw ang mga pisngi

ng Sanggol.

2. Pasilyo Sulu

Paano gagawing karaniwan

ang Gabing ang mga eskinita

ay iniwang nakabuka

ang mga pagitan. Iginuguhit

ng puting luha ng mga bintanang

ipinikit na pilit, ang mga teritoryo

ng liwanag. Mabagsik

humiwa ang elektrikong tanglaw

sa mga siko ng kongkreto.

Saan ipupuwesto ang maputing alaala

ng romantikong Romeo at Florante,

kung itinataboy ng panatikong katahimikan, lahat,

kahit ang katawang ‘di mahawakan?

Sinuwerteng makausli ang pagtiyatiyaga

ng namaluktot na rosas, sa pag-intindi

sa walang hanggan: sa hiwang sinugat mismo

ng paghilom ng kanyang tinik.

Gusto kong ipahayag ang pagkalat

ng kongkreto, ang pag-uusap

ng mga pader, ay pilit

iniiwasang maging totoo.

Kahit sa akin, itinatago nila

sa init ng itlog ng kanilang sarili, sa intimasiya

nakasapot ang kanilang wika.

Alam ko ba ang emosyon

na itinuturo sa akin

ng pagsaplot ng bubungan

sa ma-utong na dibdib

ng kalawakan? Sigurado

ba ako sa damdamin

ng nakahawlang kalapati,

na ipinupuslit ang sakiting huni

sa salaming kurtina

ng aking bintana? Ito ba

ang Boses ng lahat ng tumatawag

sa Gabi: ang mga pagkislot ng palad

na isinuksok sa ilalim ng unan,

ang mariing pagpikit ng mata,

ang pagkapatid ng kristal

na hibla ng luha, sa dilim?

Hahayaan kong lumapag sa lupa

ang amoy ng Ilang-ilang, at saluhin

ng mundo ang hindi nito kayang hawakan.

Hindi ko tutugunan ang paghiyaw

ng mga kalsadang binaliw ng paulit-ulit

na pagpatak ng yapak sa kanilang noo.

Hindi ko kakalabitin ang paos na gitara

at bundatin ng himig ang hangin,

mas mabuti na ‘tong hindi natin

napapansin ang rebulto ng Pagliwaliw,

nang matiis natin

ang Magdamag.

Bukas, ilibing na lang natin

ang maraming kamatayan,

pagbumalik na

ang liwanag.

3. Ang Pagbalik Ng Mga Musmos

Maraming Pag-ibig ang umaga

buhay at hindi nananakot.

Binuo ang kanyang loob

ng maraming Pagbangon.

Ang kutob niya ang nagbuka

sa nakakuyom nating mga Mata

at tayo ay hinuhugot ng bawat Pagbalik

ng liwanag, mula sa ating paglukob sa kumot.

Pag-aari ng kalawakan ang araw

ngunit ang umaga ay atin.

Humahalik ito sa noo ng ating talampakan

ngunit alam kong wala itong kinikilalang Poon

o kaharian, may sikmura itong dumila

sa kinadidirian nating sanaw, na palahian

ng lamok at langaw,

sapagkat wala itong katawan

at lamang nahahawakan.

Ang mukha nito’y walang binibigkas

na pangalan

at ang pangalan nito’y ‘di tumutugon

sa isang mukha.

4. Hindi Ko Kayang Pangalanan Ang Hindi Kayang Bigkasin

Ngayon ko lang naiintindihan ang Pagpanaw

pag-ginagahasa ka ng katahimikan

at wala kang ibang magagawa

kundi umiyak

at kumapit sa tulalang kagamitang

sumapit ng parehong kapalaran.

Dito sila kanina, humihimlay, taong-tao

totoong-totoo, umuukupa ng espasyo,

nahahawakan ko

ang kanilang buhok

sa kanilang halakhak, at hindi

sila nagsasawa sa pagbalasa

sa humihiwang silahis sa bintana,

sinusuysoy ang bawat butil ng umaga

dito sa mesa at upuan,

ikinalong sa maagap na kutsara’t baso

ihinain at nginasab sa bandehado

at saka naming itinipid, itinimpi,

habang nakukuba ang tanghali

sa bigat ng pawis at init,

sa aming bulsa, bawat isa, bilang

at markadong sandali.

Sapagkat ang hapon ang pagtanda

ng Panahon. Madalas sa pagtugis sa tuktok

ito ay oras

ng Pagtigil, ang paglugsot

tungo sa talampakan ng pinaghirapang bundok,

ang muling pagmano sa lupa,

ang paghalik ng butki sa alabok.

At kanina ako’ay nakatayo, nagpipilit

tumatag, sa pagbitaw sa buntot

ng direksiyon ng kanilang paglisan.

Oo, lumalayo ang lubid ng aking dugo

sa kipot ng kanilang litid, hanggang saan

man sila padparin, pero lalong namumuo

sa aking ulo ang bilog na kadiliman

sapagkat lumalago ang espasyong kanilang

nakalimutang dalhin, paglalagyan

sa mga Hindi na Maibabalik.

At ‘di sinasadyang manuya

sa gitna ng pagmumuni’t luha

ang isang karton ng sigarilyong

naiwan ng siga.

Ang lugar na linilisan ng Pag-ibig

ay palaging ganito: palaging pagkatapos

ng ma-ilaw na piyesta, may insignipikong

damuhang iiwan

ng pansamantalang peryahan.

Litrato ng hagdang nakatambak sa bakuran

Sa kanyang pag-akyat sa ating binababaan



Pagkatapos ng maraming taon

ng pagpapa-apak

lumuwag din ang turnilyo ng hagdan

sa Gabing ito’y umungol

nang walang dahilan.

Hindi siya ang halige ng tahanan

ang posteng nagmumukmok sa apat na sulok

ang ilaw na wasak ang katawan, taga-binyag

sa paganong mga anino, winawagayway ang kuryenteng

oliba sa limbong ang relihiyon ay walang

pag-ibig.

Wala na itong tuhod

na ipantutukod sa bigat

ng naipong pasensiya

sa kawkawan ng taas at baba.

At binungi ng minsang suwail

na sampal ang tabla

nang magdabog ang hindi pinayagang

paa.

Pero makakalimutan niya ba ang maingat

na dampi ng inumagang sneaker

na sa pagpapatahan sa katahimika’y

gumising sa imortal

na intimasiya? (At kahit ang mga kuto

niyang anay ay makapagsasabi

na wala siyang pinatulog na Gabi

sa pagsisilbi).

Nagawa niya na bang akyatin

ang taas, o babain

ang baba

kung siya ay nagkakasilbe

pag nasa gitna?

Paano kaya kung sa kanyang pagkakahoy

di na lang siya naging hagdan?

Kundi isang respetadong lamesa

o paboritong lumba-lumba

o kaya’y madunong na pasamano

ng mga libro?

Sino ba ang makapagpapalit

nang biglaan

ang kayang bumaluktot ng balikat

ng ilang taon—

madalian

isang mabilis na pagpilas

ng Huling Hangganan, ang tanging hiblang

nakabara sa lagusan ng isang galit

na pagpulandit—hinay-hinay na Alimango

ng Panahon, ang dapat humugot

sa sandalan, kung ang tahanan ay isang

palasyo ng baraha—

kung ito’y isang pagpipigil

ng tibok

kung ito’y hindi na muling

paghinga ng oksihinang

sumisid sa malalalang espasyo—

ang bakanteng katawang

sumisiksik sa mga puntod ng titik:

ang tulalang aklatan

ang humihigpit sa mga gusot na umiporme

ng beteranong kurtina, sinasala ang katinuan

sa palad ng bintana, hinihilod mula sa pribadong

likod ng hangin—ang banging ang hantungan

ay kinakapa pa sa dilim ng bulag na daliri.

Mapapansin na lang siguro

isang araw ang patlang

pag hindi na magkaintindihan

ang pababa at paakyat.

At ngayong nasa harap ko mismo

nakaratay ang patay na balikat

ang kahoy na ulap

na naglutang at naglapag

sa ating mga katawang

di nabiyayaan ng pakpak

hinihingi nitong iapak mo

ang teynga ng imahinasyon

sa imposibleng kalansay

niyang kahoy,

at pakinggan

ang alikabuking alunignig

ng mga tibok ng yapak.

Nararapat ba akong

sumaksi sa lahat

ng trahedya sa mundo—

ang hinanakit ng isang bayani,

na ngayong siya’y nakahandusay pa

di na puwedeng apakan?

*

Nakikiramay sa malayo ang pintuan.

Bahagya itong nakausli sa pagsaludo

sa kanyang kasama—para akitin

ang ilang sundanging silahis

ng bagong umaga na tagain

ang anino

at pagsuwayin

sa iba’t ibang sulok

ang mga hindi maluha

nang makaramdam naman kung gaano

humilap ang mangulila.

Nang masalubong ko ang hapon sa Lagoon

Paano ko pipigilin

para sa tulang ito

ang hapong nangyayayri

ngayon sa ‘yo?

Para namnamin kahit ng mata

ang hindi nakayang lunukin

ng kaluluwa.

Maniwala kang bumibigay

ang kisig at bisig,

maging ang halkhak na kayang

tabunan ang mundo

ay napapaos. Marahil

sa pagbibilang, kung ilan,

ilan ang naging klase

ng berdeng nakikita ko

sa sabay-sabay mong mukha

(at ang buhay mong walang bilang)

makukumbinsi ng pakiramdam

na lugmok sa loob, na huwag

umalis nang mabilis

ang mga sinag at silahis

na tanging musmos at mapaglaro

pa ng emosyon.

Sa pagtuturo, sa pag-iisa-isa, sa pagsamba

(na hindi nagagambala ng Katapusan)

at pagdudusta sa laman kong lupa lamang

at susuko sa katandaan,

makakahanap ng kaligayahan

sa iyong gumagalang kapanatagan

sa mga puno at sa dulo ng bawat dahon

sa mundo.

Paano ko tatanggapin

sa tulang ito na ang hapon

ay paulit-ulit na nangyayari sa ‘yo

ngunit di ka nauubusan ng hininga

sa pagbibilang kung kailan

darating ang walang hanggang

kalungkutan.

Ang Hapon ay Panahon ng Paghabol ng Hininga

May apoy ang hininga ng himpapawid

malalim at mainit, antukin. Kilos

ay hindi ang sayaw ng lagablab,

kundi ang marahang paglakbay ng daliri

sa nakalantad na dibdib ng sobrang minahal

habang nasa duyan ng pahinga, marahil sa ilalim

ng punong hitik sa lilim. Marahil sa malawak

na katihan ng matatamis na bulaklak.

Oras ito ng salagubang

pagkatapos lisanin ng mga paru-paro

ang balana. At ang mga dahon

ay gumagaan, at ang mga dahon

ay nagpapahila sa lupa.

Ito ang musikang ayaw nating pakinggan,

dahil inaakay nito ang ating paa sa hukay.

Ang ilog ng oras ay sinisibat ng batuhan,

nilulumpo ng hubog ng pampang at pinaparusahan

ng tinik ng buhangin. Kaya may kupad

ang nagaganap tulad ng bagal ng ulap.

Paalala itong ganito ang katahimikan

sa dulo ng lakas ng ating loob na magpatuloy.

Sapagkat itong lawak ng lantay na langit

ay isang imbakan ng mga paglaho.

At ang mga alaala ay walang katawan

tulad ng panahon na siyang nagpaslang.

Disyembre 2001.Tayhi.

Tagal

Walang hanggan

ng magpakailan pa man

ang tagal.

Isang musikang mabagal

ng patay at dapit

paikot sa ilog na

nakapulupot sa mundong

ahas ng agos. Multo

tulad ng langit

na kumpol ng mga lilang

bulaklak. Tulad ng ulan

at itom

ng kapeng iniwan o

nakalimutan

sa lamig ng balkonahe.

Puting kurtina

sa lumang bahay

na tuluyan nang

pinatay ang ilaw,

burdado ng ligaya

at lumipas na glorya

ng noon. Walang hanggan

wari ang bigat. Dito.

Sa tanggapan ng pait

at lason. Dito na siya

ring halamanan at lihim

na hardin

ng pag-ibig. Umuusad

tulad ng kalkuladong lingkis

ng relehiyosong sawa,

ang bakod

ng siyudad at ng mga grasang

lansangan. Sa bakal na utos

ng isang blokeng bato

sa gintong trono, ang lamig

ay umuunlad.

Kaninong paglaya

ang ihip ng hangin.

Ang paghalimuyak

ng mga pangitain.

Alam mo ba ang daan

paalis dito, ikaw na nakakapansin

na walang pintuan?

Mamayang gabi

sa bughaw na tulog ng lahat,

muli tayong lilinlangin ng katahimkan

at pilit ilalayo ang ating mga katanungan

sa punto. Dahil bubuka

ang minsang pintuan

ng ngayon. Pupuslit

ang mga panginoong

walang hininga at kamatayan.

Sasabak tayo. Isang makisig

na kabayong kayang tagusin

ang ilusyon. Makikihati tayo

sa kanilang lagusan. Puno

ng enerhiya ng nagpasuklob

na lakas.

Hango sa karagatan.

Hango sa higanti

ng mga napaluhod

na taong-diyos.

Isang matipunong gulong

ng kidlat. Uhaw ng mga pumalyang

pagsagupa at pagpalag.

Walang lingon

ulo sa ulo. Tungo

sa kabilang kalungkutan.

Sa pugad ng mararangal

na halimaw na silang

humubog sa mga bayani.

Huwag lang ito. Huwag lang

dito sa lupaing puno

ng lupaypay na bulaklak.

Marso 2 2002.Tayhi.Tabaco City.

One Response to “Patente kan Nobyembre”

  1. Sonny said

    Jimple,

    hahaha, finally, naayos mo na rin ang layout nitong blog mo. Congrats nga pala sa pagkapanalo mo sa 1st Premio Tomas Arejola :)

Leave a Reply